^

PM Sports

El Libertador hangad ang panalo

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa mas mababang ka­tunggali magtatangka ang El Libertador na nakati­kim muli ng panalo sa isang stakes race.

Ang kabayong pag-aari ni Mandaluyong City Ma­yor Benhur Abalos ay tatakbo sa 3rd leg ng Hopeful Stakes race sa Hulyo 13 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

May 12 kabayo pero 11 ang opisyal na bilang na tatakbo sa stakes race na ito na sinahugan ng P1 milyon premyo ng Philippine Racing Commission (Philracom).

Ang iba pang kasali ay ang coupled entries Big Boy Vito at Señor Vi­to, Cap­tain Ball, Five Star, Ha­ring Benedict, Mrs.Tea­pot, My Champ, Nur­ture Nature, Right Direction, Santino’s Best at Sharp Shooter.

Naunang inasahan ang El Libertador na matutulad sa stablemate na Hagdang Bato na kikinang sa premyadong karera para sa mga 3-year old horses na Triple Crown.

Ngunit hindi tumimbang ang kabayo na isang mul­tiple stakes race winner na sa taon kaya’t ta­takbo na lamang ito sa Hopeful na gagawin din sa makapigil-hiningang 2,000-metro.

Ang Captain Ball at Ha­ring Benedict ay napa­laban na rin sa naunang mga yugto ng Triple Crown ngunit di rin kumi­nang.

 

vuukle comment

ANG CAPTAIN BALL

BENHUR ABALOS

BIG BOY VITO

EL LIBERTADOR

FIVE STAR

HAGDANG BATO

HOPEFUL STAKES

SHY

TRIPLE CROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with