MANILA, Philippines - Nagkasundo ang New Orleans, Portland at SacraÂmento sa three-team trade na magdadala kay guard Tyreke Evans sa Pelicans, center Robin LoÂpez sa Trail Blazers at guard Greivis Vasquez sa Kings, ayon sa source.
Ibibigay din ng Portland si second-round draft pick Jeff Withey sa New Orleans at future draft pick sa Sacramento na baÂhaÂgi ng deal.
Ang trade ay magdaÂdaÂla rin kay guard Terrel Harris sa Portland.
Si Evans, dating RooÂkie of the Year at restricted free agent, ay nag-average ng 15.2 points, 4.4 rebounds at 3.5 assists sa Kings noong nakaraang season na kanyang ikaÂapat sa Sacramento.
Ang 7-footer na si LoÂpez, ang naging starÂting center ng New Orleans matapos makuha sa trade sa Phoenix, ay nag-average ng 11.3 points bukod pa sa 5.6 rebounds at 1.6 blocks noong nakaraang seaÂson.
Ang 6’6 na si Vasquez, isang point guard starter, ay may average career highs na 13.9 points at nine assists at itinuturing na Most Improved Player sa NBA.
Hindi pa inihahayag ang deal dahil sa July 10 pa puwedeng magpirmahan ng kontrata.