MANILA, Philippines - Isang three-cornered fight para sa titulo ang inaaÂsaÂhang matutunghayan para sa Philippine Super Liga (PSL) women’s volleyball tournament na bubuksan buÂkas sa Philsports Arena sa Pasig City.
Ang sinasabing tatlong paboritong koponan na maÂaaring magÂlaban para sa korona ay ang Petron, PCSO-Bingo MilÂyonaryo at ang Cagayan Valley.
Naniniwala ang nag-oorganisang SportsCore na balanse ang lakas ng mga koponan sa torneong idiÂnisenyo para sa mga players na tapos na ang playing years sa collegiate leagues.
Ang Petron Blaze Spikers ay babanderahan nina daÂting Ateneo players Gretchen Ho at Charo Soriano katuwang sina dating national skipper at Santo Tomas ace Roxanne Pimentel.
Ang Bingo Milyonario Puffins ay pamumunuan niÂna dating La Salle aces Maureen Penetrante, Ivy ReÂmulla, Michelle Gumabao at Stephanie Mercado, anak ni dating ‘Asia’s Sprint Queen’ Lydia De Vega.
Pangungunahan ang Cagayan Valley Rising Suns nina Wendy Semana, Jeck Dionela at Royce Tubino.
Hindi rin dapat balewalain ang TMS Army LaÂdy Troopers ni coach Rico de Guzman sa torneong suÂporÂtado ng Philippine Sports Commission, San Juan AreÂna, Healthway Medical, LGR outfitter, Lenovo, ViÂbram Five Fingers at Pagcor.
“We are obviously the oldest, most experienced team in this tournament. So we have to take good care of our health if we want to contend for the crown,†ani de Guzman, aasa kina Michelle at Mayeth Carolino, MaÂry Jean Balse, Dahlia Cruz at Joanne Bunag.
Ang liga ay may basbas ng Philippine Volleyball FeÂÂderation.
Bubuksan ng Army ang kanilang kampanya kontra sa Cagayan Valley sa alas-6 ng gabi matapos ang salpukan ng PCSO-Bingo Milyonaryo at PLDT-My DSL sa alas-4 ng hapon at ang banggaan ng Cignal at Petron sa alas-2.