MANILA, Philippines - Bago ang kanilang laÂro sa New Zealand series sa Huwebes ay papaÂngalanan ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ang kanÂyang Final 12 para sa 27th FIBA-Asia Men’s ChamÂpionships.
Ang kanyang mapipili ay mula sa 13 players na maglalaro sa New Zealand tour simula sa Martes.
Ang mga players na maÂkikita sa aksyon sa New Zealand na nauna nang lumahok sa training camp sa Lithuania noong naÂkaraang buwan ay sina naÂturalized player Marcus Douthit, Gary David, L.A. Tenorio, Ranidel de Ocampo, Jeff Chan, Gabe Norwood at Larry Fonacier.
Kabilang din sa kopoÂnan sina Jayson Castro, Marc Pingris, Junmar FaÂjardo, Jimmy Alapag, JaÂpeth Aguilar at Beau BelÂga.
Wala naman sa listaÂhan sina Sonny Thoss at Greg Slaughter.
Sumailalim si Thoss, ang second-string guard ng Gilas sa nakaraang Jones Cup at sa FIBA-Asia Cup, sa isang medical treatment sa China maÂtapos tulungan ang Alaska Aces sa pagsikwat sa koÂrona ng 2013 PBA ComÂmissioner’s Cup.
Kasalukuyan namang nag-aaral ang seven-fooÂter na si Slaughter sa AteÂneo.
Sinabi ni Reyes na kaÂsama pa rin sina Thoss at Slaughter sa national pool, ngunit posibleng hindi rin mapili dahil sa kabiguan nilang sumama sa pagsasanay ng Nationals.
Posibleng maging reÂserves sina Thoss at Slaughter o pamalit sa magÂkakaroon ng injury paÂra sa FIBA-Asia Men’s Championships.
Ang mga magsisilbing backups ay sina Kelly WilÂliams, Ryan Reyes at JaÂred Dillinger at sina cadet players Garvo Lanete, RR Garcia, Kevin Alas, Matt Ganuelas, Jake Pascual at Ronald Pascual.
Kabilang sila sa 24-man roster na isinumite ng Gilas sa FIBA-Asia noÂong Hunyo 18.