6-year $22M kay Stevens para mag-coach ng Celtics

MANILA, Philippines - Hinikayat ng Boston si Brad Stevens sa NBA bilang coach nang bigyan nila ito ng six-year, $22 million contract, ayon sa source ng Yahoo! Sports.

Iniwan ng 36-gulang na si Stevens ang 10-year deal sa Butler para palitan si coach Doc Rivers upang pangasiwaan ang rebuilding process ng Celtics.

 Matagal nang interesado si Boston general manager Danny Ainge kay Stevens kaya naging mabilis ang kanyang pagkilos para akitin itong maging coach ng  Celtics, ayon sa source.

Bago ibigay kay  Stevens ang head-coaching job,  kinonsidera muna ni  Ainge ang dating taga-Celtics na si Brian Scalabrine, ayon sa mga sources ng Yahoo Sports.

 

Show comments