MANILA, Philippines - Nakipagkasundo si Manu Ginobili sa two-year deal sa San Antonio Spurs kung saan kikita siya ng $14 million, ayon sa source ng Yahoo! Sports.
Sinabi ni Ginobili sa Twitter na pumayag siya sa two-year deal at posibleng tapusin ang kanyang career sa San Antonio at ayon sa source, kikita siya ng $7 million per season.
Si Ginobili, 36-gulang na sa July 28 ay nag-average ng 11.8 points at 4.6 assists sa 60 games noong nakaraang season. Nanalo siya ng tatlong championships sa Spurs na tinulungan niyang makarating sa NBA Finals kontra sa Miami Heat nitong nakaraang season.