^

PM Sports

2YO horses mapapalaban sa mga stakes races

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magpapakilala ang mga mahuhusay na edad dalawang taong gulang na mga kabayo sa pagtakbo ng unang yugto ng Juvenile Fillies Stakes sa buwang ito.

Dalawang malalaking karera lamang ang nakatokang mangyari sa buwan ng Hulyo at ang isa pa ay ang ikatlo at huling yugto ng Triple Crown para sa mga edad tatlong taong gulang na mga kabayo.

Sa Hulyo 21  ilalarga ang 1st leg ng Juvenile Fillies at Colts stakes na gagawin sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite. Sa maigsing 1,000-metro distansya ito paglalabanan at sinahugan ito ng nagtataguyod na Philippine Racing Commission (Philracom) ng P500,000.00 kabuuang gantimpala.

Apat na yugto ang karera para sa mga two-year old horses para maihanda ang mga ito sa mas malalaking karera sa susunod na taon sa pangu-nguna na ng 2014 Triple Crown Championships.

Ang ikatlo at huling yugto ng Triple Crown ay ilalarga naman sa Hulyo 13 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Walang hihiranging Triple Crown champion sa taon dahil magkaibang kabayo ang mga nanalo sa unang dalawang yugto.

Kampeon ang dehadong Divine Eagle sa unang leg noong Mayo pero hindi nakasali sa ikalawang yugto dahil sa injury sa paa.

Ang Spinning Ridge ang siyang nakapanorpresa sa ikalawang yugto at inaasahang tatakbo ang kabayong pag-aari ng SC Stockfarm at ginagabayan ni John Alvin Guce sa third leg na paglalabanan sa mahabang 2,000-metro.

Sa kasaysayan ng Triple Crown na nagsimula noong 1978 ay may 12 kabayo na ang kinapos ng isang panalo para maitala bilang Triple Crown Champion.

Ang mga ito ay ang Native Gift (1978), Paris Match (1982), Vixen (1984), French Affair (1986), Grand Party (1990), Family Affair (1992), Mushi Mushi (1994), Fight With Honor (1995), West Bound (2003), Empire King (2004), Ibarra (2007), Heaven Sent (2009) at Yes Pogi (2010).

Siyam na kabayo naman ang nakapagwalis sa tatlong yugtong karera at ang huli ay nagawa ng Hagdang Bato noong nakaraang taon.

vuukle comment

ANG SPINNING RIDGE

CAVITE

DIVINE EAGLE

EMPIRE KING

FAMILY AFFAIR

FIGHT WITH HONOR

FRENCH AFFAIR

GRAND PARTY

TRIPLE CROWN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with