^

PM Sports

Superliga opening dadaluhan ng AVC official

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa paniniwala sa pag-usbong ng volleyball sa bansa, mismong si Shanrit Wongprasert, ang Executive Vice president ng  Asian Volleyball Confederation (AVC) para sa Southeast Asian Zone, ang magiging panauhin sa paglulunsad ng Philippine Superliga (PSL), ang unang volleyball club league sa bansa.

Ang pagdalo ni Wongprasert ang magdadagdag ng kinang sa grand launch ng PSL sa Hulyo 4 sa 7th High sa Bonifacio Global City na katatampukan din ng sports fashion show ng mga volleyball players.

Nakatakda ang press conference sa Hulyo 5 sa Wack Wack Golf and Country Club clubhouse, habang ang grand opening ay sa Hulyo 7 sa Philsports Arena sa ganap na ala-1 ng hapon.

“The PSL will be honored by the presence of Mr. Wongprasert, one of the architects of volleyball’s rise in Thailand as president of Thailand Volleyball Association,” sabi ni Ramon ‘Tats’ Suzara, ang PSL president at chairman ng AVC Development and Marketing Committee. “It is the first time in the sport’s recent history that a high ranking regional official of volleyball will visit the country.”

Nagkumpirma ng kanilang paglahok sa PSL  ang Cygnal, Petron, PLDT (Philippine Long Distance Telephone), Cagayan Valley, PCSO-Bingo Milyonaryo at ang Philippine Army.

Magbibigay ang SportsCore ng free tickets para sa opening ceremony, tumawag lamang sa 353-3935 para sa detalye.

vuukle comment

ASIAN VOLLEYBALL CONFEDERATION

BINGO MILYONARYO

BONIFACIO GLOBAL CITY

CAGAYAN VALLEY

DEVELOPMENT AND MARKETING COMMITTEE

EXECUTIVE VICE

HULYO

MR. WONGPRASERT

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with