Lee iniaalok ng Golden State

MANILA, Philippines -  Ihahanap ng Golden State Warriors ng trade opportunities si All-Star forward David Lee at sa natitira nitong three years, $44 million contract, wika ng mga league sources sa Yahoo! Sports.

Ang 30-anyos na si Lee ay isang popular at respetadong player ng Golden State franchise.

Inialok ng Golden State si Lee sa isang package para kay Andrea Bargnani ng Toronto.

Ngunit nakipagkasundo na ang Raptors sa New York Knicks para bawasan ang $22.5 milyon sa kontrata ni Bargnani.

Tinangka ng Warriors na isama si LaMarcus Aldridge ng Raptors sa package bukod pa kay Brandon Rush.

Pumasok na ang Portland sa trade talks para kay Aldridge, ngunit naghahanap pa ng mas magandang alok kumpara sa Golden State.

Show comments