May malaking offer ang Detroit kay Josh Smith

MANILA, Philippines -  Nakipagkita si Detroit Pistons general manager Joe Dumars kay Atlanta Hawks forward Josh Smith para alukin ang free agent forward ng isang four-year deal, sabi ng mga league sources sa Yahoo! Sports.

Nagpakita ng interes ang Atlanta na plantsahin ang isang sign-and-trade arrangements para kay Smith kaysa papirmahin siya sa isang long-term deal.

Bukod sa muling pagpapapirma kay point guard Jose Calderon, si Smith ay isa pang prayoridad ng Pistons.

Gusto ng Pistons na unahan ang iba pang koponan kay Smith na sinasabing isang secondary priority sa free agency habang pinag-aagawan si Dwight Howard.

Ang 6-foot-9 forward ay nais ng Detroit na mai-dagdag sa front line kasama sina Greg Monroe at Andre Drummond.

Nakatakda ring makipag-usap ang Detroit kay forward Andre Iguodala sa Lunes sa Los Angeles, ngunit hindi tiyak ng Pistons kung tatapatan ang alok ng Denver Nuggets.

Plano nina Denver GM Tim Connelly at coach Brian Shaw na makipagkita kay Iguodala sa Los Angeles para ialok ang isang contract extension.

 

Show comments