Azkals maglalabas ng hinaing sa PSA

MANILA, Philippines -  Ang hindi pagkakabilang ng football sa Philippine delegation para sa 27th Southeast Asian Games sa Myanmar at dalawa pang sporting events ang itatampok sa Philippine Sportswriters Association Forum ngayong umaga sa Shakey’s Malate.

Sasalang sina Azkals team manager at football patron Dan Palami, Malditas coach Ernie Nierras at Philippine Football Federation secretary general Ed Gastanes para talakayin ang hindi pagkakasama ng football sa PH contingent para sa 2013 Myanmar SEA Games sa sesyong isinasaere sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng Shakey’s at ng Philippine Amusements and Gaming Corporation.

Pag-uusapan din sa public sports program na nakatakda sa alas-10:30 ng umaga ang Sinclair under-22 National finals sa Laguna at ang King of the Cage Phi-lippines sa Mall of Asia Arena.

Ang special guest para sa Sinclair basketball tournament ay si Laguna Governor ER Ejercito na sasamahan ni Darren Evangelista at Laguna sports official Albert Abarques, habang ang mixed martial arts side ay kakatawanin nina King of the Cage PH chairman Ray Young at MMA legend Erwin Tagle.

 

Show comments