Hindi dapat kabahan ang mga Atenista
MANILA, Philippines - Wala pang dapat ipag-alala ang mga panatiko ng 5-peat champion Ateneo matapos lumasap ng 64-54 pagkatalo sa National University sa pagbubukas ng kampanya sa 76th UAAP men’s basketball noong Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa pagbabalik-tanaw ni first year coach Bo Perasol sa nasabing laban, hindi naman ganoon kasama ang naipakita ng mga bata at tinuran pa ang palaban na attitude ng mga alipores sa huling yugto bilang isang positibong senyales na kaya pang makipagsabayan ng Blue Eagles kahit wala na ang mga malalaking players na sina Greg Slaughter, Nico Salva at Justin Chua.
“Ang nangyari sa amin, hindi kami kumunekta ng maaga. Sa fourth period na lumabas ang opensa lalo na sa tres. Kung maaga namin nakuha ito, malamang dikit ang laban,†wika ni Perasol.
Sa unang tatlong yugto ay 32 puntos lamang ang naitala ng Eagles at naiposte ang pinakalamaking kalamangan sa 24 puntos, 59-35, bago nag-init ang mga kamay nina Nico Elorde at Juami Tiongson na nagsa-nib sa apat na tres sa pinakawalang 19-5 endgame run.
“Sa susunod na game ay dapat magkaroon kami ng strong start. Ito ang nawala sa first game,†dagdag ni Perasol.
Bukod sa strong start, dapat ding manumbalik ang tikas ng kanyang mga big men na sina JP Erram at Frank Golla.
Durog ang Eagles sa Bulldogs sa rebounding, 52-39, dahil ang 6’7†na si Erram ay mayroon lamang 2 rebounds sa 13 minuto at si Golla na naglaro ng 26 minuto ay may apat lamang.
Samantala, inaasahang babalik na sa tunay na kondisyon si Kiefer Ravena na naglaro lamang ng walong minuto at may dalawang puntos dahil sa iniindang right ankle sprain.
Bukas ang sunod na laro ng Blue Eagles kontra sa FEU Tamaraws at tiniyak ni Ravena na handa na siyang maglaro para tulungang ipasok ang Eagles sa win-column.
- Latest