MANILA, Philippines - Humabol ang Mapua mula sa 20 puntos na pagkakalubog bago itinala ang 104-99 double overtime panalo sa San Sebastian at mahagip ang unang panalo ni PBA Legend Fortunato ‘Atoy’ Co sa 89th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Gumawa ng 30 puntos at 11 rebounds si Joseph Eriobu habang si Kenneth Ighalo ay mayroong 21 puntos at 16 boards at si Jessie Saitanan ay may 15 puntos at 17 boards upang ipakita ng Cardinals ang pagsusumigasig para makabangon agad matapos matalo sa Jose Rizal University sa unang asignatura.
“I’m so happy, real-ly I’m so happy double overtime pa wow!†wika ng masayang-masayang si Co na nasa kanyang unang taon ng pag-upo sa Cardinals bench. “The pressure is really on me because everybody thinks because the coach of Mapua is Atoy Co, how great he is while he was playing, they thought if I’m the coach in so many months, I’ll be champion. I want to correct that impression because basketball is about development, especially in college basketball,†dagdag ni Co.
Pasado naman ang marka na ibinigay niya sa kanyang mga bataan na bumangon mula sa 37-57 iskor sa ikatlong yugto bago sinandalan sina Erio-bu, Ighalo at Mark Brana sa ikalawang overtime.
Si Brana na tumapos bitbit ang 15 puntos, ay naghatid ng walo sa se-cond overtime at ang kanyang lay-up na sinundan ng split sa 15-footline ni Eriobu ang nagtiyak ng panalo nang hawakan ng Cardinals ang 102-94 kalamangan sa huling 49.1 segundo.
Tig-24 puntos ang ginawa nina Jovit dela Cruz at Jaymar Perez para sa Stags na hindi rin napangalagaan ang 86-83 kalamangan sa huling 67 segundo sa unang overtime para malaglag sa 1-2 karta.
Nabitiwan ng Stags sa depensa si Ighalo para sa panablang tres sa 86-all at kahit nabawi pa ng tropa ni coach Topex Robinson ang kalamangan sa transition lay-up ni John Ortuoste sa sumunod na play, nakauna sa lundagan si Eriobu para sa isang follow-up tungo sa 88-all iskor.
Bola ng Stags sa hu-ling 13.9 segundo pero ang tangkang winning jumper ni Ortuoste ay tatlong beses na tumalbog sa ring bago lumabas.