MANILA, Philippines - Wala ng duda na may puwesto na ang bagong racing club na Metro Turf Club sa horse racing ng bansa.
Ang pruweba ng ra-cing club na binuksan lamang noong Pebrero ay matapos makapagre-histro ng magandang bentahan sa dalawang karerang itinakbo sa Malvar, Batangas noong nakaraang linggo.
Sa ulat ng Metro Turf, pumalo sa P57 milyon ang bentang nairehistro ng club noong Hunyo 19 at 23 kaya’t nabahaginan ang mga nanalong horse owners nang umabot sa P119,792.00 bilang prem-yo ng club.
“Patuloy ang paglaki ng benta namin sa takil-ya at ito ay dahil na rin sa mainit na suporta ng bayang karerista, horse owners at Philippine Racing Commission,†wika ni Metro Turf senior vice president Rudy Prado.
Kahit ang gobyerno ay nakikinabang na sa racing club sa pamamagitan ng ibinabayad nilang buwis.
Mula nang nagbukas ang club ay nagbigay na ang Metro Turf ng P117 milyon sa tax habang may P57 milyon na kontribusyon sa kaban-yaman ng pamahalaan sa mga documentary tax.
Ang pagganda ng kita ng club ay nangyari matapos kilalanin ang Metro Turf Lighting Project bilang pinakamaganda sa 2013 GE Edison Award Asia Preliminaries na ginawa sa Guangzhou, China.
Si Engineeer Li Lim ang nagdesenyo sa state-of-the-art lighting system at malinaw na nakikita ng mga karerista ang mga kabayong nagtatagisan kahit gabi dahil may 46 lighting post ang itinayo sa racing track.
Ang panalong ito ay nagresulta para makasali ang proyekto sa labanan sa Global 2013 Edison Award.
Tiniyak pa ni Prado na hindi makokontento ang Metro Turf sa mga tagumpay na nakakamtam at gagawin nila ang lahat para paigtingin pa ang plano para mas mapasaya ang mga tumatangkilik sa racing club.
“Sa suporta ng mga horse owners at Philracom, patuloy naming pagsisikapan ang makapaghandog ng mas magaganda at mas balansyadong karera para sa ikasasaya ng bayang karerista,†ani Prado.