Letran kinuha ang liderato; Arellano wagi sa Lyceum
MANILA, Philippines - Dumiretso sa kanilang ikalawang sunod na panalo ang Letran para kunin ang liderato ng 89th NCAA men’s basketball tournament.
Tinalo ng Knights ang Generals ng Emilio Aguinaldo College, 79-74, sa first round ng eliminasyon kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Umiskor ng pinagsamang 28 points sina Raymond Almazan at Rey Nambatac para sa 2-0 baraha ng Letran.
Sa unang laro, nagtrabaho agad ang mga manlalaÂro ng Arellano University sa unang yugto para kunin ang 68-60 panalo kontra sa Lyceum.
Pinosasan ng depensa si Shane Ko ng Pirates, habang ang mga bench players ng Chiefs ay kumamada para makabangon ang tropa ni coach Koy Banal mula sa pagkatalo laban sa San Sebastian.
Si Jiovani Jalalon at Allen Enriguez ay umiskor ng 13 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod, habang si Levi Hernandez ay may 11 bago napatalsik sa laro daÂhil sa disqualifying foul kay Issah Mbomiko.
Ang matibay na depensa ay nasilayan kaagad sa unang yugto nang limitahan lamang ang Pirates sa liÂmang puntos para sa 17-5 kalamangan.
Hindi na binitiwan pa ng Chiefs ang kalamangan sa laro at ang pinakamalaking agwat ay naitala sa 16 puntos, 62-46, sa magkasunod na buslo ni Jalalon.
Si Mbomiko ay may 18 puntos, habang si Andrei Mendoza ay naghatid ng 14 puntos para pangunahan ang Pirates. (ATAN)
Arellano U 68 - Jalalon 13, Hernandez 11, Enriquez 10, Forrester 8, Pinto 7, Agovida 6, Gumaru 4, Caperal 4, Bangga 3, Salcedo 2, Margallo 0, Nicholls 0, Cadavis 0.
Lyceum 60 - Mbomiko 18, Mendoza 14, Ko 7, Francisco 6, Lacastesantos 6, Baltazar, Azores 2, Soliman 0, Alanes 0, Ambohot 0, Garcia 0, Lesmores 0.
Quarterscores: 17-5; 33-26; 53-42; 68-60.
Letran 79 - Cruz 18, Almazan 15, Nambatac 13, Ruaya 11, Gabawan 8, Luib 5, Racal 5, Dysam 4, Buenaflor 0, Publico 0.
EAC 74 - Morada 22, Arquero 20, Happi 10, King 7, Jamon 5, Tayongtong 4, Paguia 2, Castro 2, Hiole 2, Munsayac 0.
Quarterscores: 14-18; 44-37; 63-57; 79-74.
- Latest