MANILA, Philippines - Sinikwat nina Haince Patrick de Leon ng Ateneo at Alexis Anne Osena ng Letran ang korona sa kani-kanilang kategorya sa kiddies division ng 21st Shell National Youth Active Chess Championships Southern Luzon leg sa SM Batangas Event Center sa Batangas noong Linggo.
Matapos mabigo kay Stephen Pangilinan ay tinalo ni De Leon sina Kinsley Salva Cruz at Jhoemar Mendiogarin kasunod si top seed Jayson Danday ng NU sa final round upang magtala ng 8.0 points sa boys’ side.
Nauna nang kinuha ni Pangilinan ang liderato mula sa kanyang panalo kina De Leon, top seed Jayson Danday at Emmanuel Paler ngunit natalo kay Mendiogarin sa final round.
Tumapos si Pangi-linan na may 7.5 points at makakasama si De Leon sa National finals na nakatakda sa Setyembre. 14-15 sa SM Megamall.
Pumangatlo si Mendiogarin mula sa kanyang 7.0 points kasalo sina Ro-bin Ignacio, Dale Bernardo, Dary Bernardo at Paler.
Pinamunuan naman ni Osena ang girls’ 14-and-under category ng pinakamatandang chess circuit na inihahandog ng Pilipinas Shell matapos ta-lunin sina Charlotte Paez, Francell Javier at Natalie Abuzo para kumpletuhin ang pagwalis sa seven-round tournament.
Ang third leg (Visayas elims) ng serye ay nakatakda sa Hulyo 13-14 sa SM Cebu Event Center.