MANILA, Philippines - Binalasa kahapon ng San Miguel Corp. ang coaching staff ng kanilang tatlong PBA ballclubs na napagdesisyunan matapos ang mahinang ipinakita ng Petron nitong nagdaang dalawang taon.
Nabalasa ng husto ang Petron kung saan sina Gee Abanilla at Siot Tanquingcen ang inilagay na head coach at team ma-nager kapalit nina Olsen Racela at Hector Calma, ayon sa pagkakasunod.
Sina Racela, Calma, Samboy Lim, Coy Banal, Ato Agustin at Jorge Gallent ay inilipat sa bagong team at inilagay sa bagong posisyon.
Sina Leo Austria at Boysie Zamar ay pumasok matapos ang matagumpay na kampaya sa ABL at collegiate pre-season league, ayon sa pagkakasunod.
Ang dating Indonesia Warriors coach na si Todd Purves ay malaking karagdagan din kapag naayos na ang negosasyon.
Si Abanilla, naging assistant nina Derrick Pumaren, Yeng Guiao, Rajko Toroman at Racela, ay makikipagtulungan kina Purves, Austria, Banal at Biboy Ravanes bilang mga assistant coaches.
Si Austria, naghatid sa SMB sa titulo sa nakaraang ABL, ay inaasahang magkakaroon ng mala-king role kapag natapos na ang collegiate season. Kasalukuyan pa itong nakakumpirmiso sa Adamson Falcons sa UAAP.
“We in our (SMC) group have a continuing process of evaluation and periodic reviews, just like what we do in business, and sometimes we do it as pahiyang,†sabi ni SMC official Robert Non “In this case, we would like to do another pahiyang by appointing Gee Abanilla to be the head coach of Petron,†sabi pa ni Non na magsisilbi na ngayong governor at team manager ng Ginebra.
Bilang bagong team manager ng Boosters, inaasahang tutulong din si Tanquingcen sa coaching.
Mula sa Petron bench, ay si Calma na ang iniluklok bilang alternate representative ng Petron sa PBA board. Mula sa pagiging team manager ay alternate governor na ngayon si Lim sa Ginebra.
Inilipat naman si Racela sa San Mig Coffee para makasama sina Johnny Abarrientos, Jeffrey Caria-so at Richard del Rosario bilang assistant ni coach Tim Cone.