MIAMI – Natapos ang Miami Heat championship celebration at nagsimula nang maglabasan ang mga fans sa venue ngunit nanatili pa rin sa stage ang mga players at coaches ng Heat.
Hindi sila nagmamadaling umalis.
Nakatayo ang mga NBA champions at nanood sa higanteng video board play na nagtampok sa kanilang pinagdaanan patungo sa playoffs, mula sa MVP-caliber plays ng LeBron James hanggang sa season-saving three-pointer ni Ray Allen sa Game 6 ng NBA Finals.
“It’s a special group,’’ sabi ni Heat coach Erik Spoelstra. “You know what? This season started over nine months ago with that trip to China and we were able to experience so many cool things together in the regular season. But at times, it just seems to be going by so fast.’’
Sa humigit-kumulang sa 400,000 tao na luminya sa kalsada ng Miami, idinaos ng Heat ang kanilang parada kasunod ang isang in-arena rally.
Tumayo si James sa isang double-decker bus na may nakasubong sigarilyo sa kanyang bibig.
Panay ang flying kiss ni Shane Battier sa mga tao, habang itinaas ni Dwyane Wade ang kanyang tatlong daliri at kumawag-kawag na parang ibon si Chris Andersen para sa kanyang taguring ‘Birdman’ moniker.
“It’s the ultimate,’’ sabi ni James. “It’s the ultimate. This is what I came down here, to be able to have a parade at the end of the year. I’m extremely blessed, man. It doesn’t get any better than this.’’
Ilang players ang may water guns at tinarget ng tubig ang kanilang mga fans, nabalutan ng confetti ang mga kalsada at nag-ingay ang mga sasakyan.