Padua, Haya nabigo sa kanilang laban

MANILA, Philippines -  Dalawang Filipino boxers ang tinalo ng kanilang mga nakaharap na Mexican fighters.

Pinatulog ni dating world super bantamweight champion Fernando Montiel si Jaderes Padua sa third round.

Si Weng Haya ay tinalo naman ni Miguel Berchelt sa kanilang lightweight bout sa pamamagitan ng isang second-round knockout.

Kumonekta si Montiel, pinatumba ni dating unified world super bantamweight king Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. sa second round noong Pebrero 19, 2011, ng isang mabigat na right hand na nagpahiga kay Padua sa canvas sa 1:12 ng third round.

Bilang paghahanda kay Montiel ay nagsanay ang 22-anyos na si Padua, tubong Guinobatan, Albay, sa Wild Card Boxing Gym ni trainer Freddie Roach sa Hollywood, California.

Nasangkot din si Padua (8-3-1, 5 KOs) sa trash talk laban sa 34-anyos na si Montiel (50-4-2, 38 KOs) bago ang kanilang upakan.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ni Montiel ma­tapos matalo kay Victor Terrazas noong Nobyembre ng 2011.

Hangad ni Montiel na muling maging isang world champion.

Hindi naman nakaporma ang 24-anyos na si Haya (17-6-0, 9 KOs) sa 21-anyos na si Berchelt (19-0-0, 16 KOs).

Pinabagsak ni Berchelt si Haya sa first round at ti­na­pos sa second round.

 

Show comments