Cuello kumuha ng suporta sa Dubai

MANILA, Philippines -  Para makakuha ng suporta mula sa kanyang mga ka­babayan, bumisita si world title challenger Denver ‘The Excitement’ Cuello sa Filipino night club na CLUB 7 sa Dubai.

Pinagkaguluhan si Cuello sa nasabing night club kung saan nagpalitrato at humingi ng kanyang autograph ang mga Pinoy fans.

Namigay si Cuello ng 10 Platinum VIP tickets pa­ra sa kanyang title bout kontra kay World Bo­xing Coun­cil minimumweight champion Xiong Zhao Zhong ng China.

Hahamunin ni Cuello si Zhong sa Biyernes at uma­­asang maiuuwi ang WBC crown sa kanyang pag­ba­­balik sa Pilipinas.

Kasalukuyang nag-eensayo si Cuello sa KO Gym sa Marina Area Dubai.

Natapos na niya ang target na 112 rounds ng sparring bilang paghahanda kay Zhong.

Nakipag-spar si Cuello sa kanyang stablemate na si Lionel Legada ng apat na rounds sa kanyang pi­nakahuling sesyon.

Kumpiyansa si Cuello na makukuha niya ang weight limit na 105 lbs sa official weigh-in sa Huwe­bes.

Show comments