MANILA, Philippines - Nagsampa ng demanÂda kahapon ang Talk ‘N Text laban sa Gulf Air kaÂugnay sa kabiguan nitong magbigay ng paliwanag sa nangyari sa Dubai noÂong Hulyo ng 2011.
Noong Hulyo 21, 2011 ay hindi pinayagan ng Gulf Air na pasakayin ang mga players at officials ng Tropang Texters na nagkumÂpirma ng kaÂnilang booking para sa reÂturn trip sa Maynila.
Ang mga Talk ‘N Text, Barangay Ginebra at Barako Bull, kasama ang PBA staff, ay bahagi ng PBA delegation na nagÂtungo sa Dubai noong Hulyo ng 2011 na naglaro ng official game sa harap ng mga Overseas Filipino Workers.
Kinansela ng Gulf Air ang booking ng PLDT team na hindi sila binibigyan ng notice.
Dahil dito ay nanatili sa airport ng Dubai ang naÂÂturang delegasyon.
Ang demanda ay isiÂnampa ni PBA Commissioner Atty. Chito Salud sa ngalan ng Talk N’ Text team, ayon kay PBA legal counsel Atty. Melvin MenÂdoza.
“We have written them several demand letters but up to this time the airline company has not yet giÂven a satisfactoÂry explanation,†wika ni Mendoza.
Hindi sila nakaranas ng anumang probleÂma nang umalis sila ng MayÂniÂla papunta ng Dubai.
“The players and officials of TNT went to the check-in counter of Dubai airport at least three hours before their scheduled flight only to be informed that their flights were canÂcelled,†wika ni MendoÂza.
Ang ibang team members ay naghanap ng flight sa ibang airlines paÂra lamang makauwi, habang ang iba ay natulog sa malapit na hotel para sa flight kinabukasan.