Kazakhstan nagpalakas para sa FIBA-Asia
MANILA, Philippines - Matapos ang dalawang taong pamamahinga sa Asian Basketball, nagpa-lakas ang Kazakhstan sa pagkuha ng foreign coach at isang naturalized player na unang makikilatisan sa tune-up-game isang linggo bago na magbukas ang 27th FIBA-Asia Championships sa Agosto 1-11.
Kinuha ng Kazakhs-tan si Euro League vete-ran Jerry Jamar ‘Triple J’ Johnson sa pagmamando ni Italian coach Matteo Boniciolli.
Sa taglay na matatangkad na frontcourt players at mahuhusay na shooters, lumakas ang backcourt ng Kazakhstan matapos i-naturalize si Johnson, star guard ng Astana team sa Kazakhstan league.
Samantala, nakuha naman ng Thailand at Malaysia ang huling dalawang slots sa 16-team Asian World qualifier matapos makapasok sa finals ng 10th SEABA Championship sa Medan, Indonesia.
Pinaglalabanan ng dalawang koponan ang SEABA crown habang sinusulat ang balitang ito.
Magkakaroon ng draw kung saang grupo mapapasama ang Thailand at Malaysia.
Ang isa ay makakasama ng Kazakhstan, India at Bahrain sa Group D at ang isa ay mapupunta sa bigating Group C na kinabibilangan ng China, Iran at South Korea.
Tinalo ng Thais ang Malaysians, 63-47, noong Sabado para iselyo ang kanilang unang pagsabak sa FIBA-Asia Cham-pionships matapos ang mahigit isang dekada.
Nasibak ang Indonesia, highest-ranked SEABA sa likod ng Philippines, matapos mabigo sa Singapore, 64-74 sa harap ng kanilang homecrowd.
Hangad ng Gilas Pilipinas na mag-qualify sa 2014 FIBA World Cup na gaganapin sa Spain para higitan ang kanilang fourth place finish sa Tok-yo FIBA-Asia.
Inaasahang magiging mahirap ang daan na tatahakin ng Gilas Pilipinas.
Kasama ng Ph Natio-nal Team sa Group A ang Jordan, Lebanon, Japan at Chinese Taipei.
Kasalukuyang nagte-training ang Kazakhstan sa Trieste, Italy at magtutungo sa Zrece, Slovenia bago tumulak ng maaga sa Manila para sa tune-up game kontra sa Gilas-Pilipinas.
Inaasahang pangungunahan ng Kazakhstan ang Group D sa first round ng FIBA-Asia prelims at posibleng ang Gilas Pilipinas ang kanilang makakatapat sa quarterfinals .
- Latest