Dela Cruz isinalba ang Red Lions laban sa Blazers sa 89th NCAA

LARO BUKAS

(The Arena, San Juan City)

4 p.m. JRU vs Mapua

6 p.m. Lyceum vs San Beda

 

 

MANILA, Philippines - Sinandalan ng San Be­da College ang magandang inbound play sa pa­gitan nina Rome dela Rosa at Art Dela Cruz upang igiya ang koponan sa 71-70 panalo laban sa host College of St. Benilde sa pagsisimula ng 89th NCAA men’s basketball ka­gabi sa Mall of Asia Are­na sa Pasay City.

Eksakto ang palobong inbound pass ni Dela Rosa para kay Dela Cruz na iniwan ang depensa ng baguhang Blazer na si Jose Saavedra patungo sa isang alley-hoop play at ibalik sa Red Lions ang isang puntos na kalama­ngan sa huling tatlong segundo sa orasan.

Bago ito ay ipinatikim ni Saavedra sa Blazers ang unang kalamangan sa laro nang maipasok ang isang tres, 70-69, may 4.7 segundong nalalabi sa labanan.

“We practiced that play maybe a hundred times for the past months. I’m happy Rome saw Art and he made the shot. But it was really a lucky shot and a lucky win for us,” wika ng bagong San Beda coach Boyet Fernandez.

May 16 puntos si Dela Cruz, habang 11ang ibinigay ni Olaide Adeogun at 10 ang iniambag ni Dela Rosa para masimulan sa panalo ang paghahabol ng San Beda para sa ikaapat na sunod na titulo sa liga.

Dominado ng Red ­Lions ang laro at binuksan ang aksyon gamit ang 10-0 bomba at naitala ang pinakamalaking kalama­ngan sa 15 puntos, 34-19, sa first half.

Kampante pang lamang ang Red Lions, 61-48, sa huling siyam na minuto ng labanan nang nag-init ang Bla­zers.

Sa pagtutulungan nina Paulo Taha at Roberto Bartolo ay nagpakawala ang host Blazers ng 19-5 palitan para dumikit sa 68-67.

Split ang ginawa ni Ba­ser Amer at sa sumunod na play ay naipasok ni Saavedra ang krusyal na tres.

Sa ikalawang laro, nag­­tala si Raymond Al­ma­zan ng 15 points, 20 re­­bounds at 5 blocks para igiya ang Letran sa 74-69 panalo kontra sa San Sebastian.

Show comments