Oden pinupuntirya ng Miami bilang sentro
MIAMI -- Ibinunyag ng agent ni daÂting No. 1 draft pick Greg Oden na may interes ang NBA champion Miami Heat na kunin ang free-agent center, ayon sa ulat ng FoxSportsFlorida.com.
Si Oden, kinuha ng Portland TrailblaÂzers mula sa Ohio State matapos ang kanyang freshman season noong 2007, ay nagÂkaroon ng problema sa kanyang mga tuÂhod sa maikli niyang NBA career.
Hindi pa siya naglalaro sa NBA sapul noÂong Disyembre ng 2009.
Nangangailangan ang Heat ng malaÂkas na sentro.
Sa pagkakaroon ng knee problems ni Oden, maaari itong maging suliranin ng Miami.
Ang 25-anyos na si Oden ay nag-eensayo na at nagsabing magaling na ang kanyang mga tuhod matapos dumaan sa isang microfracture surgery.
“The Heat need some size, that’s not a secret,†sabi ng agent ni Oden na si Mike Conley.
“Whether it’s in a backup role or whatÂever, he could help them. I know they’re interested in him and he’s inteÂrested in them,†dagdag pa nito.
Sa kanyang maikling season para sa Portland, nagtala si Oden ng mga aveÂrages na 11.1 points, 8.5 rebounds at 2.3 blocked shots.
- Latest