Puwede nang mag-relax si LeBron
MIAMI – Matapos maging two-time NBA champion at two-time Finals MVP, makakapagpahinga na si LeBron James.
Nakasama siya nina Michael Jordan at Bill Russell bilang tanging mga players sa NBA history na nanalo ng back-to-back Finals MVP at regular-season MVP awards.
Sa Game 7 ng NBA Finals, nagposte si James ng 37 points at 12 rebounds at kinontrol ang halos lahat ng bagay sa laro para tulungan ang Heat sa 95-88 panalo laban sa San Antonio Spurs.
“This is what it’s all about,†sabi ni James. “I came here to win championships and to be able to go back-to-back, two championships in three years, so far, it’s the ultimate.â€
Sa season kung saan siya hinirang bilang MVP sa ikaapat na pagkakataon, idinagdag niya ang ikalawang NBA ring sa kanyang koleksyon.
Umiskor si Dwyane Wade ng 23 points para sa kanyang ikatlong NBA title, habang may 18 points si Shane Battier at 14 si Mario Chalmers para sa Heat.
Walang naiskor si Chris Bosh.
Ngunit balewala ito dahil sapat na ang pagbibida ni James para punan ang anumang kakulangan ng Heat.
“It became time,†wika ni Miami coach Erik Spoelstra kay James. “He always rises to the occasion when it matters the most, when the competition is fiercest.â€
- Latest