Zig-Zag pattern ng NBA finals
Nasa balag na ngayon ng alanganin ang defending champion na Miami Heat matapos kunin ng San Antonio Spurs ang Game 5 para hawakan ang 3-2 kalamangan sa best-of-seven series.
Ibig sabihin, isang panalo na lang ang kailangan ng Spurs para tanggalan ng korona ang Heat at tanghaling kampeon ng 2012-13 season.
Ibig sabihin, kailangang ipanalo ng Miami ang dalawang sunod na laro sa serye na lalaruin sa kanilang sariling balwarte.
Ibig sabihin, kailangang magtrabaho ng husto ni Lebron James, Dwyane Wade at Chris Bosh kung nais nilang maipagtanggol ang kanilang titulo.
Bagama’t nakalalamang na ang Spurs sa serye, mahirap pa rin sabihin kung kanila na nga ang titulo dahil alam naman nating may kakayahan ang Heat na makabawi.
Nagbabawian lang ang Miami at San Antonio sa kanilang labanan kaya hindi nakapagtataka kung aabot ang serye sa Game 7.
Si Wade ay may iniindang injury sa tuhod ngunit nakakapag-deliver pa ito.
Si Manu Ginobili ay nag-iisip nang magretiro ngunit sino ang mag-aakalang siya ang magiging susi ng panalo ng Spurs sa Game 5.
Alam naman nating determinado rin sina Tony Parker at Tim Duncan na manalo ng titulo.
Siguradong marami na naman ang natalo sa pustahan na tumaya sa Miami.
Siguradong marami ngayon ang mag-iisip na ang Miami ang mananalo sa Game 6.
Iyon kasi ang trend ng finals series na ito, pag nanalo yung isa, yung isa naman ang susunod na mananalo.
Kaya marami na naman ang pupusta sa Heat sa Game 6.
Marami ang nagsasabing sa deciding Game Se-ven na talaga magkakaalaman.
Tingnan natin, goodluck sa inyo.
- Latest