MANILA, Philippines - Pangungunahan nina John Chicano at Franklin Peñalosa ang grupo ng mga Filipino triathletes na sasabak sa Century Tuna 5150, ang pinakamala-king Olympic distance triathlon series na nakatakda sa Hunyo 23 sa Subic Bay.
Tumapos sina Chicano at Peñalosa bilang No. 1 at No. 2 sa Filipino elite category noong nakaraang taon at No. 5 at No. 11 sa overall.
Ang iba pang makiki-pag-agawan sa karangalan ay sina SEA Games 2011 bronze medalist Dhill Anderson Lee, ang kasalukuyang hari sa standard distance na si Marion Kim Mangrobang, si 2012 Ironman 70.3 Philippines Filipino Elite topnotcher August Benedicto, ang 2012 Ironman 70.3 Philippines sixth placer sa Filipino Elite category na si Philip Dueñas, si Ford Ironman World Cham-pionships qualifier Noy Jopson at si Olympic hopeful Nikko Huelgas.
Paborito naman si Monica Torres, namuno sa 2012’s Filipina Elite category ng Century Tuna 5150, sa Professional ca-tegory.
Si Torres ay isang four-time Ironman 70.3 Philippines Elite champion.
Ang iba pang sasabak sa swim-bike-run event ay sina Rochelle Tan, Banjo Norte, Jenny Rose Guerrero, Kevin Lyndonn Eijansantos, Norman Resurreccion at Santino Del Castillo.
Lalahok din ang artistang si Matteo Guidicelli at si Sen. Pia Cayetano.