Pinas titiwalag sa SEA Games kung...
MANILA, Philippines - Nagbanta ang Pinas na titiwalag sa Southeast Asian Games kung hindi babaguhin ang kasalukuyang rules sa pagpili ng sports events na paglalabanan.
Nagkapit-bisig na ang mga top sports officials ng bansa laban sa organizers ng 27th SEA Games sa Myanmar sa December sa ginawa nilang dagdag-bawas sa mga events para lumakas ang tsansa nilang manalo.
Tinanggal ng Myanmar ang mga Olympic events gaya ng gymnastics, beach volleyball at lawn tennis sa mga paglalabanang events at ipinasok ang mga indigenous sports na vovinam, kempo at chinlone kung saan nakataya ang 40 gold medals na malaking minahan para sa kanilang kampanyang makabawi sa seventh-place finish noong 2011.
“They did not include tennis for what reason? Mahina kasi sila. Why did they add seven more golds in dragon boat? Kanila yun eh,†pahayag ni Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia.
And another seven or eight gold me-dals in chess,†sabi pa ni Garcia, “If it’s going to be like that also in Singapore (sa 2015) then God bless the SEA Games.â€
Iminungkahi ng PSC chairman kay Philippine Olympic Committee chairman Jose Cojuangco na mag-host ng meeting kasama ang ibang miyembro ng SEA Games Federation para pag-usapan ang isyu.
Ang host country sa SEA Games ay may karapatang isama o tanggalin ang mga events na kanilang nanaising pakialaman.
Ngunit sinabi ni Garcia na kaila-ngang may limitasyon ito at hindi dapat abusuhin ang karapatang ito.
Bilang simbolo ng pagpoprotesta, magpapadala lamang ang Philippines ng token delegation sa Myanmar.
Sinabi ni Cojuangco na kung walang mababago sa 2015 Singapore SEA Games, mas mabuti pang tumiwalag na lang sa SEA Games ang Pinas.
“I fully agree with Mr. Cojuangco on this matter. Kung wala naman babaguhin sa sistema, bakit pa tayo sasali?†tanong ni Garcia.
Kahit tumiwalag ang Pinas sa SEA Games, may iba pang events na masasalihan ang mga Pinoy athletes ayon kay Garcia, tulad ng Asian Indoor Games, Asian Beach Games, Asian Martial Arts Championships at Asian Youth Games.
“What we’re asking for is something that will not be an advantage to us. When we hosted and won the overall title in 2005 we only included arnis and even lost in some of its events,†sabi pa ni Garcia.
- Latest