24-man line-up ng Gilas isinumite ni Reyes
MANILA, Philippines - May hanggang July 12 si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na magdesisyon kung sino ang makakasama sa 12-man line-up ng Gilas Pilipinas para sa FIBA-Asia Championships dito sa Aug. 1-11.
Ang deadline para sa 24-man roster ay kahapon kung saan kasama sina Marcus Douthit, Jimmy Alapag, Jayson Castro, LA Tenorio, Ranidel de Ocampo, Larry Fonacier, Gabe Norwood, Gary David, Marc Pingris, June-Mar Fajardo, Jeff Chan, Japeth Aguilar, Beau Belga, Sonny Thoss, Greg Slaughter, Garvo Lanete, Jake Pascual, Ronald Pascual, R R Garcia, Matt Ganuelas, Kevin Alas, Ryan Reyes, Kelly Williams at Jared Dillinger.
Sinabi ni SBP deputy executive director Bernie Atienza na itinakda ang maagang deadline na June 17 para may panahon ang FIBA-Asia na i-check ang eligibility ng mga players partikular ang mga may dual citizenships. Walang limitasyon sa pagkakaroon ng double passport holders sa isang team ngunit isang player lang ang pinapayagang kunin ng FIBA-Asia na gawing naturalized player.
Pagmumultahin ng FIBA-Asia ang bansang mabibigong makapagsumite ng 24-man lineup kahapon.
Hindi kasama dito ang dalawang Southeast Asian countries na matutukoy pa sa sub-zone qualifiers sa Medan, Indonesia sa June 20-23.
Maglalaban-laban para sa Southeast Asian tickets ang Indonesia, Malaysia, Singapore at Thailand.
Ang top two finishers ay magbubunutan kung saang grupo sila mapapa-sama sa FIBA-Asia preliminary round. Ang isang slot ay sa Group C kasama ang China, Korea at Iran at ang isa ay sa Group D kasama ang Kazakhstan, India at Bahrain.
Magkakaroon ng special draw para dito.
Bukot sa line-up, kailangan din isumite ang passports ng mga players.
- Latest