MANILA, Philippines - Isang Filipino sports official ang nagbunyag na may nangyayaring suhulan o game fixing sa Southeast Asian Games.
Sinabi niyang may alam siyang insidente kung saan inalok ang isang Filipino athlete ng malaking halaga para ipatalo ang kanyang gold medal match.
“Our athlete was asked how much a gold medal is worth in the Philippines or how much the incentive was, and was told that they were willing to give out the amount,†wika ng opisyal.
Hindi ibinunyag ng Filipino official ang pa-ngalan ng nasabing atleta o ang sports event na nilalaruan nito at kung kailan ito nangyari.
Nasa balag ng ala-nganin ang Pilipinas dahil sa ginawang dagdag-bawas ng Myanmar sa mga events para sa 2013 SEA Games sa Disyembre.
Inalis ng mga organizers ng Myanmar SEA Games ang mga Olympic sports na kagaya ng gymnastics, tennis at beach volleyball kasabay ng paglilista sa mga traditional at indigenous sports na hindi nilalaro ng ibang miyembro ng SEA Games.
Ibinilang ng Myanmar ang mga combat sports na vovinam at kempo at chinlone (cane ball) na may nakahanay na higit sa 40 gold medals.
Inaasahang dodominahin ng mga Myanmar athletes ang nasabing mga events.
Sa 36 gold medals na nakamit ng Pilipinas noong 2011 sa Indonesia, ang 16 ay hindi lalaruin sa Myanmar.
Sinabi ng Philippine Olympic Committee at ng Philippine Sports Commission na mahihirapan silang pantayan ang sixth-place finish noong 2011.
Determinado ang Myanmar, tumapos na pang-pito noong 2011, na tumaas sa medal standings at hangad ang top three finish bilang host country.
Nanawagan ang mga Filipino sports officials ng pagbabago sa SEA Games charter at itinulak na magkaroon ng permanenteng listahan ng mga sports events na lalaruin sa biennial event.
“You cannot just remove Olympic sports,†sabi ni PSC chairman Richie Garcia.