MANILA, Philippines - Nagbunga ang panaÂlong kinuha ng Divine Eagle sa 1st leg ng 2013 Triple Crown Championship nang manguna sa hanay ng mga kabayo kung kinita sa horse raÂcing sa taon ang pag-uusaÂpan.
Matapos ang buwan ng Mayo ay nasa tuktok ang Divine Eagle mula sa kinitang P2,219,160.68 sa likod ng apat na panalo at isang segundo puwestong pagtatapos.
Ang tampok na panalo ng kabayo ay ang unang leg ng Triple Crown sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Ang panalo ay nagkahalaga ng P1.8 milyon.
Ang Hagdang Bato ay nalagay ngayon sa ikalawang puwesto taglay ang P1,920,000.00 kita mula sa dalawang panalo.
Ang mga Triple Crown contenders na Be HumÂble at El Libertador ang nasa ikatlo at apat na puwesto, ayon sa pagkakasunod.
Nasa pang-lima ang Show Me The Money.
May P1,680,000.00 kÂita na ang Be Humble muÂla sa dalawang panaÂlo at dalawang segundo puÂwestong pagtatapos.
Ang El Libertador ay kumabig naman ng P1,350,000.00 buhat sa daÂlaÂwang panalo at isang segundo puwestong pagÂtaÂtapos.
May P1,123,472.63 kiÂnita ang Show Me The Money mula sa anim na panalo, anim na segundo, dalawang tersero at isang kuwarto puwestong pagtatapos.
Ang kampeon sa 1st leg ng Hopeful Stakes race na Big Leb ay nasa ikaanim na puwesto sa nalikom na P1,100,657.67 mula sa limang panalo at isang kuwarto puwestong pagtatapos.
Limang iba pang kaÂbayo ang nakapagbulsa na ng mahigit na isang milÂyong premyo.
Ang Amsterdam ang naÂsa ika-pitong puwesto sa P1,082,917.41 mula sa pitong panalo, tatlong segundo at dalawang kuwarto puwesto, kasunod ang Yes Yes Yes na may P1,062,775.53 (6-4-0-1).
Ang Snake Queen ang nasa ika-siyam na puwesto mula sa kinitang P1,020,947.29 (7-1-1-1) kasunod ang Hot And Spicy sa naibulsang P1,017,043.90 (2-2-1-1) at ang Esprit De Corps na may P1,008,279.20 (7-2-1-0).