Nasaan si Ginobili sa NBA Finals?
SAN ANTONIO -- Ano ba ang nangyayari kay MaÂnu Ginobili?
Hindi siya umiiskor at ang kanyang laro ay bara-baÂra kumpara sa dating madiskarte.
Sa NBA Finals kung saan kumamada sina LeBron James at Dwyane Wade ng Miami Heat sa Game 4, hiÂnihintay pa rin ng San Antonio Spurs ang pagkinang ni Ginobili.
At hindi na sila makapaghintay.
“He’s having a tough playoffs, and hasn’t really found a rhythm or found his game yet,†wika ni Spurs coach Gregg Popovich. “I think that he’s obviously not as confident as usual, and he knows full well he hasn’t performed the way he would like and the way he’s used to. But it’s simplistic to say, ‘What are we going to do to get him going?’.â€
Ang tsansa nilang makapanalo ng pang-limang koÂrona ay nakasalalay din sa laro ni Ginobili.
Umiskor si Ginobili ng 5 points sa loob ng 26 miÂnuto sa 93-109 kabiguan ng Spurs sa Heat sa Game 4 noÂong Huwebes.
Nakatakda ang Game 5 sa San Antonio sa Linggo.
Si Ginobili ay naglilista lamang ng 34 percent shooting kontra sa Miami ay nagpoposte ng average na 7.5 points mula sa dati niyang 11.8 scoring average sa season.
Sa kabuuan, tumipa si Ginobili ng 38 percent sa playÂoffs na isang career worst.
Isa lamang sa kanyang huling 11 tirada sa 3-point line ang pumasok.
Sa Game 4, nagtala si Ginobili ng 1-for-5 fieldgoal shooting para tumapos na may 5 points na siyang ikatÂlong pinakamababa niyang naiskor sa kanyang 21 caÂreer Finals appearances.
Sa Game 2 ay may 5 points din siya.
“It’s not that I’ve scored 30 a game this year,†wika ni Ginobili. “I’m surprised. I wish I could score more. But it’s not happening. I got to try to do other stuff. I’ve got to move the ball. If the shot is not falling, I’ve got to be sharp feeding the bigs and finding the shooters. I don’t have to force the issue. That’s not what I do. That’s not what I’m asked to do.â€
- Latest