Basketball camp para sa mga tornado victims

MOORE, Okla. -- Nagkaroon ng pagkakataon ang mga batang estudyante na nawalan ng eskuwelahan matapos wasakin ng buhawi noong Mayo 20, na mahasa ang kanilang basketball skills sa pagtuturo sa kanila ng ilang dating NBA greats.

Halos 50 students mula sa Briarwood at Plaza Towers elementary schools ang sumali sa basketball camp sa Moore High School kasama sina dating NBA All-Stars Otis Birdsong, Micheal Ray Richardson at University of Tulsa coach Danny Manning.

“This whole thing is being done so that their last memory isn’t a tornado destroying their school and killing their classmates,’’ sabi ni Oklahoma City Police Capt. Dexter Nelson.

Show comments