Ezeli ng Warriors inoperahan sa tuhod

OAKLAND, Calif. -- Sumailalim si Golden State Warriors center Festus Ezeli sa isang right knee surgery para mapagdikit ang dalawa niyang litid.

 Sinabi ng Warriors na si Dr. Neal ElAttrache ang nagsagawa ng pago-opera kay Ezeli sa Los Angeles noong Miyerkules.

Pinagdikit ang medial collateral at posterior cruciate ligaments ni Ezeli na nagkaroon ng sprained knee injury sa regular-season finale game sa Portland noong Abril 17.

Inaasahan ng Golden State na sisimulan agad ni Ezeli ang rehabilitasyon na tatagal ng anim hanggang siyam na buwan.

Naglista si Ezeli ng mga averages 2.4 points, 4.0 rebounds at 0.95 blocked shots sa kanyang 78 regular-season games.

Siya ang 30th overall pick ng Warriors sa 2012 draft.

Sa 12 playoff games, nagposte siya ng mga averages na 2.0 points at 2.5 rebounds sa loob ng 11.2 minuto.

 

Show comments