NBA stars Harden, Gordon darating sa Hunyo 26-28

MANILA, Philippines - Nakatakdang bumisita sa Pilipinas sina NBA stars James Harden ng Houston Rockets at Eric Gordon para pangunahan ang annual NBA 3X na inihahandog ng Sprite at idaraos sa SM Mall of Asia sa Pasay City sa Hulyo 26-28, ayon sa NBA.com Phl.

Bago ang pagdating nina Harden at Gordon ay inihayag ng Adidas Basketball ang pagdalaw ni Chicago Bulls star Derrick Rose sa bansa sa Setyembre 14-16 bilang bahagi ng D Rose Tour kung saan siya maglalaro at magsasagawa ng meet and greet sa kanyang mga fans at pati na sa media.

Ito ang ikalawang pagkakataon na bibisita sina Harden at Rose sa bansa matapos mapasama sa star-studded na NBA squad na tinampukan nina Kobe Bryant, Chris Paul at Kevin Durant.

Dalawang exhibition games ang kanilang ginawa sa naturang Smart-Ultimate All-Star Weekend noong 2011.

Sinabi ng NBA organizers na magsasagawa sina Harden at Gordon ng ilang clinics kasabay nag pagpo-promote ng NBA brand.

“I’m excited to return to the Philippines to be a part of NBA 3X,” sabi ni Harden sa NBA’s affiliate website na NBA.com Philippines. “Filipinos have an unmatched passion for basketball and I look forward to meeting the fans and catching some of the best basketball talent the country has to offer.”

Muling magbabalik si Harden sa Manila sa Oktubre 10 para Rockets team na lalaban sa India­na Pacers sa isang NBA pre-season game na tinaguriang Global Games Philippines 2013 sa MOA Arena sa Pasay City.

Show comments