SAN ANTONIO – Umiskor si LeBron James ng 33 points, habang may 32 markers si Dwyane Wade para pangunahan ang nagdedepensang Miami Heat sa 109-93 paggupo sa San Antonio Spurs sa Game 4 at itabla sa 2-2 ang NBA Finals.
Nagdagdag din si Wade ng 6 rebounds, 4 assists at 6 steals at nagtala si James ng 11 boards at 4 assists para pangunahan ang Heat na nakahugot din ng 20 points kay Chris Bosh.
Umiskor si Wade ng 18 points sa second half para banderahan ang Miami.
“I needed a game like this,†wika ni Wade. “But my teammates needed a game like this from me. Needed me to be aggressive. Needed me to play the way that I’m capable of.â€
Ang 32 points ni Wade ang dumuplika sa kanyang ginawa noong Marso 4.
Hindi pa siya nakakaiskor ng higit sa 22 points sapul noong Marso 17. Siya pa lamang ang unang player na tumipa ng 30 points at 6 steals sa isang finals game matapos iposte ito ni Detroit Pistons Hall of Fame guard Isiah Thomas noong 1988.
Binanderahan ni Tim Duncan ang San Antonio mula sa kanyang 20 points, habang may 15 points at 9 assists si Tony Parker, nagkaroon ng isang right hamstring strain sa third quarter ng Game 3.
Umiskor lamang ng 10 points si Danny Green at 13 si Gary Neal matapos gumawa ng 27 at 24 points, ayon sa pagkakasunod, sa kanilang panalo sa Game 3.
Isang 8-0 atake ang ginawa ng Miami para kunin ang 67-61 abante kontra sa San Antonio.
Nagsalpak naman si Neal ng isang 3-pointer para ilapit ang Spurs sa 73-76 agwat kasunod ang isang three-point play ni Wade at putback ni James para mu-ling ilayo ang Heat sa 81-76 papunta sa fourth quarter.
Humakot si James ng 9 points at 4 rebounds sa third period.
Ang dunk ni Wade ang nagbigay sa Miami ng 90-81 kalamangan sa huling 8 minuto ng laro hanggang tumipa si Bosh ng basket para iwanan na ang San Antonio.