Pacquiao ‘di na dapat lumalaban -- Richardson

MANILA, Philippines - Hinirang na siyang ta­nging Asian boxer na nag­kampeon sa walong mag­kakaibang weight di­visions at nagawaran na ng ilang karangalan ng iba’t ibang boxing asso­cia­tions.

Ngunit hanggang nga­yon ay lumalaban pa rin si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao.

Sinabi ni boxing trai­ner Naazim Richardson na walang dapat pang patunayan ang 34-anyos na Sarangani Congressman sa ibabaw ng boxing ring.

“My thing is, Pacquiao’s coming back to do what? Is he gonna do something he hasn’t done already?” wika ni Ri­chardson sa BoxingScene.com. “What, is he gonna come back and win another championship?”

Si Richardson ang chief trainer nina Bernard Hop­kins at ‘Sugar’ Shane Mosley.

Si Mosley ay tinalo na ni Pacquiao.

“Listen. These guys have done everything. I used to tell Bernard (Hopkins) – leave this sport before you’ve done everything, because you’ve done everything in this sport except lose badly,” dagdag ni Richardson.

Nakatakdang labanan ni Pacquiao si Brandon ‘Bam Bam’ Rios sa isang non-title welterweight fight sa Nobyembre 23 sa The Venetian sa Macau, Chi­na.

“Both of those guys have had rough goings, and we don’t know what’s left. I’ve known Brandon since he was in the amateurs… and he fights like somebody knocked his drink off the table and said they weren’t paying for it,” ani Richardson.

Ito ang unang laban ni Pacquiao nga­yong taon matapos ma­talo ng dalawang beses noong 2012.

Natalo si Pacquiao kay Timothy Bradley, Jr. noong Hunyo 9 kasu­nod ang kanyang pagtum­ba kay Juan Manuel Mar­quez sa sixth round sa ka­nilang ikaapat na pag­ha­harap noong Disyembre 8.

“Brandon just fights. No jabs allowed. He’s a rough customer,” ani Ri­chardson. “Pacquiao is special, but Pacquiao just went through a real trau­mati­zing loss.”

Show comments