Cobra-Urge Bike Leg 2 sa Starmall Las Piñas

MANILA, Philippines - Bibida na naman ang mga BMX at MTB riders mula sa Laguna, Muntinlupa, Parañaque, Makati, Manila, Pasay, Cavite, Batangas, Bicol Region at Quezon Province sa ikalawang yugto ng Cobra Energy Drink-Urge Ride Rules! Tour Season 2 sa Sabado sa Starmall Las Piñas.

Ang labanan ay magsisimula sa ala-una ng hapon sa event na handog ng COBRA – the no. 1 energy drink, Lakas ng Pinas! at Urge Events “We Create, We Moved” sa tulong din ng Starmall Las Piñas.

Inaasahang muling magliliparan ang mga bisikleta sa pasiklaban ng tricks sa BMX Box Jump, BMX Street, MTB Box Jump at BMX Flatland. 

Masisilayan din si defending MTB Box Jump Champion Eboy Farr. 

Ang registration ay magsisimula ng alas-diyes ng umaga hanggang alas-dose ng tanghali, at ang labanan ay magsisimula ng ala-una ng hapon.

Show comments