Alam na ng Spurs kung ano ang dapat gawin kay LeBron
SAN ANTONIO -- Nalaman na ng San Antonio Spurs ang sikreto na inaasam ng ibang koponan. Ito ay kung paano limitahan si LeBron James.
Maging ito ay ang mahabang galamay ni Kawhi Leonard o ang makulit na pagbabantay ni Danny Green, makikita ang pagpapahirap kay James na makaiskor.
Host ang Spurs sa Game 3 ng NBA Finals at magi-ging masaya ang San Antonio kung sila ay mananalo.
Nalimita si James sa average na 17.5 points na siyang pinakamaliit niyang point total sa postseason.
Sa 103-84 panalo ng Heat sa Game 2, nagtala ang four-time MVP ng 17 points sa 7-for-17 shooting.
“Obviously, LeBron is unbelievable,’’ sabi ni Tony Parker. “He’s going to score. But right now the other players, they are playing great, too. So we can’t have both.’’
Nagtala si James ng matinding 56.5 percent sa re-gular season at nagsalpak ng 103 three-pointers.
Huling naglaro ang Spurs sa NBA Finals noong 2007 para sa kanilang pang-apat na korona matapos talunin ang Cleveland Cavaliers ni James.
Sa naturang serye, pinilit nilang tumira sa labas si James at ito ang ginagawa ngayon ng Spurs sa kanya sa pagpapalitan ng pagdedepensa sa kanya nina Leo-nard at Green bukod pa sa pagtulong nina Tim Duncan at Tiago Splitter.
- Latest