^

PM Sports

Billups di matanggap ang pagiging NBA Teammate Of The Year

Pang-masa

MIAMI – Hindi pamilyar si Chauncey Billups sa magandang kuwento ng pagkakaibigan nina Jack Twyman at Maurice Stokes.

Matapos mapiling unang nanalo ng NBA Twyman-Stokes Teammate of the Year Award nitong Linggo, lubos ang pasasalamat ni Billups na siya ay inihanay sa dalawang magkaibigan.

Binasa ng Los Angeles Clippers veteran guard ang kuwento ng dalawa nitong mga nakaraang araw.

Ang award ay ipinangalan sa dalawang players na sumikat sa liga sa Rochester Royals noong 1955. Si Stokes ay isa sa sikat na batang player noon ngunit naparalisa dahil sa isang aksidente sa laro noong 1958.

Sa edad na 23 at may pamilya, si Twyman ang na-ging legal guardian ni Stokes na nag-alaga sa kanya ng 12-taon hanggang sa mamatay ito noong 1970.

 Sa panahong nahahati pa ang mga puting Kano at mga itim na Kano sa Amerika noon, si Twyne na isang white American ay nag-organisa ng charity games para makatulong sa mga gamot ni Stokes.

Kasama ring maghapunan ng pamilya Twyman si Stokes tuwing Linggo.

“For him to make that sacrifice, it’s unbelievable and the utmost sacrifice,’’ sabi ni Billups bago ang laro ng Miami Heat kontra sa San Antonio Spurs sa Game 2 ng NBA Finals. “So for my name to be mentioned with his and anybody else going forward to be mentioned with his, I really don’t feel worthy, to be honest with you. It’s kind of embarrassing. I do feel like I’m a good teammate, but I haven’t had to make that sacrifice.”

 

BILLUPS

CHAUNCEY BILLUPS

JACK TWYMAN

KANO

LINGGO

LOS ANGELES CLIPPERS

MAURICE STOKES

MIAMI HEAT

ROCHESTER ROYALS

SAN ANTONIO SPURS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with