MANILA, Philippines - Mas maraming local plaÂyers, mas maganda paÂra sa Philippine Azkals.
Ito ang panukala ni daÂting national football coach Juan Cutillas para sa Azkals na binabanderahan ng mga sinasabing Fil-Foreign players sa kaÂsalukuyan.
“Our local players must be very upset that they are not given the opportunity to play. I know they are discouraged,†saÂbi ng 73-anyos na Spanish mentor.
Ang Azkals ay pinaÂmuÂÂmunuan ng magkaÂpatid na Phil at James YoungÂÂhusband, Neil EtheÂridge at Chris Greatwich.
Ayon kay Cutillas, liÂma hanggang anim na Fil-foreign players ang dapat panatilihin sa AzÂkals pool kasabay ng pagkuha ng mga local-born booters.
Noong 1971 hanggang 1972 ay bumuo si Cutillas ng isang ‘Manila selection’ na kinabibilaÂngan ng mga foreign at FiÂlipino players na tumalo sa South Korea, Hong Kong, China at Thailand.
Si Cutillas ang trainer ng RP Team na naghari sa FIBA-Asia Men’s Championships noong 1973.