^

PM Sports

Getting Better naungusan sa balya ang Money King

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mahusay na kinapitan ng Getting Better ang balya para maisatanbi ang malakas na hamon na ibi-nigay ng Money King sa idinaos na pista noong Huwebes ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite,

Si RC Baldonido ang hinete ng Getting Better na tila naglakad na sa rekta habang mainit ang takbo ng Money King na dala ni Pat Dilema.

Ngunit napagtiyagaan ng nasa balyang Getting Better ang huling 100-metro sa 1,300-metrong karera upang manalo ng isang ulo lamang sa meta.

Ito ang unang panalo ng Getting Better sa hu-ling tatlong buwan para makapagbigay ng P22.50 dibidendo sa mga deha-distang nanalig sa kanyang kakayahan.

Ang 4-5 forecast combination ay may P35.50 dibidendo.

Manipis ang progra-mang nabuo dahil umabot lamang sa pitong karera ang nasilayan at 35 na kabayo lamang ang tumakbo bunga ng patuloy na racing holiday ng tatlong malalaking bilang ng horse owners na MARHO, Philtobo at Klub Don Juan de Manila.

Ang magandang nangyari lamang sa pista sa bakuran ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ay ang kawalan ng kabayo na nagpa-scratch.

Mga paboritong kabayo ang lumabas na nanalo sa anim na iba pang pinaglabanan at nanguna rito ang Madame Dixie na kinuha ang ikatlong sunod na panalo pero una sa buwan ng Hunyo.

Ang Lim Grand Story na second choice rin sa class division 5 na inilagay sa 1,300-metro distansya, ang pumangalawa at ito ay dala rin ni Dilema

Banderang-tapos ang panalong kinuha ng Madame Dixie na hawak ni Mark Alvarez para sundan ang mga panalong nakuha noong Mayo 9 at 17.

Ang ikalawang puwesto ang mainitang pinaglabanan sa pagitan ng Winning Bid at Lim Grand Story at napanatili naman ni Dilema ang isang ulong agwat sa Winning Bid na ginaba-yan ni MV Pilapil.

Nanalasa nang husto si Alvarez dahil ang tagumpay na ito ay kanyang ikalawang panalo sa gabi.

Unang ginabayan ni Alvarez ang Show Me The Money na hindi inabot ng mga kalaban kahit may top weight na 58 kilos para sa ikalawang sunod na panalo.

 Pangalawa lamang ang Gabbi’s Choice para sa liyamadong 1-4 kombinsyon sa forecast at P10.00 dibidendo. Ang win ay may P6.50 dibidendo.

vuukle comment

ALVAREZ

ANG LIM GRAND STORY

DILEMA

GETTING BETTER

KLUB DON JUAN

LIM GRAND STORY

MADAME DIXIE

MANILA JOCKEY CLUB INC

MONEY KING

WINNING BID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with