MANILA, Philippines - Papasok ang Kongreso para dinggin ang problema ng tatlong malalaking grupo ng mga horse owners sa Philippine Racing Commission (Philracom).
Si Manila Congressman Amado Bagatsing ang siyang mangunguna sa Kongreso na didinig sa sulira-ning nagresulta sa pagdeklara ng racing holiday ng mga horse owners groups na MARHO, Philtobo at Klub Don Juan na mas kilalang Tri-Org.
Pinasalamatan ng Philracom ang pangungunang ito ni Congressman Bagatsing para maging malinaw na rin ang tunay na estado ng batas ng pinag-ugatan ng kaguluhan. Ito ang 3% fund na ibinabawas sa mga premyo ng mga horseowners at inilalagay sa Trainers’ Fund.
“Ito ang tamang paraan na hinahanap namin. Welcome development ito para sa amin dahil hindi kami makakilos dahil ito ay batas na dinatnan na namin. Matapos marahil ang pagdinig ay maaayos na at malilinawan na ang lahat,†wika ni Philracom executive director Jess Cantos sa panayam kahapon.
Sa Hunyo 30 pa magbubukas ang sesyon sa Kongreso pero sinabi ni Bagatsing na puwedeng magpatawag ng pagpupulong lalo pa’t malaking isyu ang gulong nangyayari ngayon sa horse racing.
“There are exceptions in special cases like this,†wika ni Bagatsing.
Hinihiling ng mga horse owners na alisin ang 3% na ibinabawas sa kanilang kinikita at sa halip ay humanap ng pagkukunang pondo ang Philracom na ibibigay sa Trainers’ Fund.
Iginigiit ng Tri-Org na base sa RA No. 6115, nakasaad dito na ang trainers’ fund ay kukunin sa 1.2 percent share ng premyo at hindi sa premyo ng mga horse owners.
Itinaas lamang sa 3% ito sa Presidential Decree No. 420 noong Marso 20, 1974, pero nakasaad din umano rito na kukunin ito sa premyo at hindi sa prem-yo na ibinibigay sa mga horse owners.
Lumiham na rin ang Tri-Org sa Malacañang at kinukumbinsi si Pangulong Benigno Aquino III na paalisin na sa puwesto ang mga nakaupong opisyales ng Philracom sa pangunguna ni Chairman Angel Castano Jr.
Dahil sa gusot na ito, hindi nagtatakbo ng kabayo ang mga kasapi ng Tri-Org kaya’t maninipis ang mga programang inihahandog sa tatlong racing clubs sa bansa.
Bukas ilalarga ang PCSO Silver Cup sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite at naunang sinabi ng Tri-Org na hindi lalahok ang kanilang mga kasapi upang mamelig-ro kung matutuloy o hindi ang nasabing karera.