Coach Karl sinibak ng Denver

DENVER— Sinundan ni George Karl si general manager Masai Ujiri na nasibak sa Denver Nuggets.



Wala pang isang buwan matapos manalo ng NBA Coach of the Year Award,  natapos ang ugnayan ni Karl sa Nuggets makaraan ang walo’t kalahating seasons.

Kelan lang ay nawala sa team si Ujiri ang NBA Executive of the Year, para maging general manager ng Toronto Raptors.



“So, we lost a GM now and a coach, what’s next?” tweet ni Nuggets big man Kenneth Faried.



May natitira pa si Karl na isang taon sa kanyang kontrata at inasahan niyang makakakuha ng bagong deal sa team.

Ang Clippers, Nets at 76ers ay naghahanap ng bagong coach at pinayagan na ng Memphis Grizzlies si coach Lionel Hollins na makipag-usap sa ibang teams.

“We appreciate everything he did to keep us among the top teams in the Western Conference,” sabi team president Josh Kroenke sa isang statement nitong Huwebes. “He is a Hall of Fame coach whose legacy in Denver will last for years to come. George is a legend in the game of basketball and I could not have more respect for him as a person and coach.”



Iginiya ni Karl ang ikatlong pinakabatang koponan sa NBA third-best record sa Western Conference sa kanilang franchise-record na 57 wins, ngunit nasibak ang Nuggets sa first round ng playoffs sa ikaapat na sunod na season.

Ang 62-gulang na si Karl ang nagmando sa Nuggets sa siyam na sunod na playoff appea-rances.

Show comments