MANILA, Philippines - Bagamat nabigong samantalahin ng Philippine Azkals ang Fifa international match dates nitong June, ang plano ay maghanap na lang ng ibang friendly games sa mga susunod na buwan upang ipagpatuloy ang kanilang build-up para sa AFC Challege Cup sa susunod na taon.
Kinalaban ng Azkals ang Hong Kong at naitakas ang 1-0 panalo nitong Martes at hindi naging ‘friendly’ ang crowd.
Ito ang tanging friendly game ng Azkals sa buwan ng June (June 7-11 and June 14-18) na itinakda ng FIFA bilang ‘international break.’
“We decided to forego with the friendlies (sa June) because most of the players are coming from long seasons. It’s physically, mentally exhausting, especially from those playing professionally,†sabi ni team manager Dan Palami. “We’re now scheduling friendlies during FIFA dates; they are being arranged by Philippine Football Federation.â€
Ang susunod na friendly match day sa FIFA 2013 calendar ay sa Aug. 14, at ang mga susunod pa ay sa Sept. 6-10, Oct. 11-15 at Nov. 15-19.
Ayon kay Palami, tinitingnan nila ang posibilidad ng training camp sa Middle East sa November.
“We have an invitation from UAE and we’re trying to find our games in adjacent areas to make it a tour, a training camp,†aniya.
Sinandalan ng Azkals, ang header ni James Younghusband at mahusay na pagbabantay sa goal ni Neil Ethe-ridge upang talunin ang Hong Kong matapos mabigo sa kanilang unang limang pagkikita at makipag-draw sa ikaanim, 3-3.
Tiniis ng Azkals ang ‘galit’ na crowd na matindi ang pangangantiyaw sa Azkals mula nang patugtugin ang national anthem hanggang sa traditio-nal victory lap sa pagtatapos ng laban.
May ulat din na nambato ang ibang fans ng bote ng mineral water sa mga Pinoy supporters at sumigaw ng mga panlalait na salita.
Nakatakdang mag-file si Palami ng incident report sa PFF na inaasahang gagawa ng karampatang aksiyon.
Sinabi ng nag-organisang Hong Kong Football Association na gumagawa na sila ng sariling imbestigasyon.