COLORADO SPRINGS, Colo. – Magbabalik ang U.S. national basketball team ngayong summer sa Las Vegas, kung saan sila nag-training para manalo ng dalawang Olympic gold medals.
Magkakaroon ng minicamp para sa 24 players sa July 22-25, na tatapusin ng intrasquad exhibition game sa July 25 sa Thomas & Mack Center ng UNLV.
Ihahayag ang mga players na kasama bago matapos ang buwan at inaasahang kasama dito ang mga sinasabing ‘rising NBA stars’ at ‘‘newly minted All-Stars.’
Maaaring makasama ang ilan sa mga miyembro ng nakaraang Olympic gold medal sa World Cup of Basketball na gagawin sa Spain o sa 2016 Olympic Games sa Brazil.
Nagsanay ang pito sa huling walong US basketball team sa Las Vegas.