Determinado si McGrady sa kanyang unang NBA Finals

MIAMI – Maglalaro si Tracy McGrady sa kanyang unang NBA Finals para sa San Antonio sa pagsagupa ng Spurs laban sa nagdedepensang Mia-mi Heat.

Ilang beses nahinto ang paglalaro ng 16-year veteran na si McGrady bunga ng mga injuries at minsan nang naglaro sa China nang walang kumuhang NBA team sa kanya ngayong season.

Ngunit kinuha siya ng Spurs noong Abril 16 at ngayon ay nakasama sa NBA Finals.

“It’s good to be experiencing this before I leave the game, although it’s not under the circumstances I would like. I’ve been enjoying it,” sabi ni McGrady.

Bago pumirma sa Spurs, nagtala ang two-time All-NBA First Team selection member ng average na 19.6 points at umiskor ng kabuuang 18,381 points sa kanyang NBA career.

Sa kanyang pitong taon, naglista ang 34-an-yos ng 24 points per game, kasama dito ang isang career-high average na 32.1 points per game para sa Orlando Magic noong 2002-03 season.

Nagkaroon ng tsansa si McGrady na makatikim ng NBA championship kasama sina Grant Hill sa Orlando at Yao Ming sa Houston Rockets ngunit hindi ito nangyari.

“I don’t think any of us expected it this way,” ani McGrady. “But some of us are dealt different cards. Unfortunately for me, I wasn’t blessed to play with other All-Stars, other great players. A lot of people don’t realize it, but I was only able to play with only one All-Star. And that was Yao.”

Sina Hill at Yao ay kapwa retirado na.

 

Show comments