Banchero, Taulava palaban para sa ABL MVP
MANILA, Philippines - Dalawang manlalaro ng San Miguel Beer ang kasama sa limang pinagpipilian para maging ASEAN Most Valuable Player sa ASEAN Basketball League.
Sina Fil-Am guard Chris Banchero at Fil-Tongan center Asi Taulava ang inilagay sa listahan ng pagpipilian bilang pinakamahusay na ASEAN player sa regional basketball league.
Ang dating Beermen na si Froilan Baguion ng Sports Rev Thailand Slammers at Jai Reyes ng Saigon Heat ay isinama rin bukod sa beteranong Indonesia Warriors guard na si Mario Wuysang.
Hanap ng mga manlalarong ito na makakuha ng individual awards sa regional basketball league.
Si Beermen coach Leo Austria at Slammers 7-foot import Christien Charles ang naunang ginawaran ng parangal bilang Coach of the Year at World Import MVP.
“There is excellent talent throughout ASEAN, and we are happy the ABL provides a platform for these players to showcase their skills and abilities,†wika ni ABL CEO Anthony Macri. “I am excited for the future of basketball in Southeast Asia because these men are great role models for young players to look up to.â€
Ngayong Miyerkules pormal na iaanunsyo kung sino ang mananalo sa parangal.
Bagamat binagabag ng injury, si Banchero ay nasama dahil siya ang tumayong leader ng Beermen sa ibinibigay na 16.4 puntos kada-laro.
Pinatunayan ng 40-anyos na si Taulava na kaya pa rin niyang makipagsabayan sa mga batang manlalaro sa ibi-nibigay na 10.9 puntos at 7.4 rebounds at kinukumpleto niya ang triple-towers ng Beermen na binubuo rin ng mga imports na sina Brian at Justin Williams.
Tampok na ginawa ni Baguion ang pag-angkin ng taguri bilang kauna-unahang manlalaro sa ABL na naka-triple-double mark (10 puntos at tig-11 rebounds at assists) noong Abril 5 laban sa Heat habang si Reyes ay mayroong 13.8 puntos, 5.95 assists at 2.7 rebounds averages para sa Saigon.
Si Wuysang na MVP sa ikalawang taon ng liga, ay palaban uli dahil sa ibinigay na liderato noong wala ang injured na si Stanley Pringle.
- Latest