Blackwater babangga sa NLEX sa D-League Finals

Laro Bukas

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

3 p.m. Blackwater Sports vs NLEX Road Warriors

 

MANILA, Philippines - Naisakatuparan ng Black­­water Sports ang ti­­nar­get na pagtapak sa PBA D-League Foundation Cup Finals sa pamamagitan ng 82-74 panalo sa Boracay Rum sa do-or-die semifinals kahapon sa Blue Eagle Gym sa Katipunan, Quezon City.

Bumangon si Allan Mangahas mula sa ‘di ma­­gandang ipinakita sa Game two nang makipag-tambalan kina Pari Llagas at Kevin Ferrer sa huling 3:18 sa orasan para kunin ang karapatan na sukatin ang husay ng NLEX sa best-of-three championship series.

“Discipline will win games for us. I think that’s what we did today,” wika ni Blackwater coach Leo Isaac na naibaon din sa limot ang pagkatalo sa semifinals sa Foundation Cup.

Ang mahalagang ta­gi­san ay mahigpitang pinag-labanan at nakaungos ang Waves sa halftime, 37-34, at sa pagtatapos ng ikatlong yugto, 58-55.

Pero isang tres ni Robby Celiz ang nagtabla sa magkabilang koponan habang ang 3-point play ni Mangahas na nasundan ng buslo ni Justin Chua ang nagtulak sa Elite sa 70-67 kalamangan.

Itinabla ni Jeff Viernes ang laro sa kanyang tres (70-all) bago nagtulong sina Mangahas, Llagas at Ferrer sa 5-0 palitan para lumayo na ang Elite.

May 22 puntos, sa 7-of-11 shooting, si Ma­ngahas bukod sa tig-3 assists at steals para pa­mu­nuan ang Elite.

Naroroon naman ang suporta ng mga kasamahan dahil si Celiz ay mayroong 14, tig-11 sina Llagas at Ferrer habang 10 puntos at 12 boards ang ibinigay ni Chua.

Tig-16 ang ibinigay nina Viernes at Kenneth Acibar habang 12 puntos at 14 boards ang iniambag ni Mac Sabelina para sa natalong Waves.

Bigo man ay taas-noo pa rin na nilisan ng ba­taan ni coach Lawrence Chongson ang court dahil ito ang kauna-unahang pagtapak ng Boracay Rum sa semifinals sa liga.

Ang Game One ng laro sa pagitan ng Blackwater at NLEX ay gagawin bukas sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

 

Blackwater Sports 82 – Mangahas 22, Celiz 14, Ferrer 11, Llagas 11, Chua 10, Bagat­sing 8, Ciriacruz 4, Pe 2, Vigil 0, Mangahas J. 0, Suguitan 0.

Boracay Rum 74 – Acibar 16, Viernes 16, Sa­bellina 12, Fernandez 8, Taha 8, Siruma 5, Rosopa 5, Arellano 2, Eguillos 1, Ilagan 1, Pasculado 0, Tagarada 0.

Quarterscores: 18-14; 34-37; 55-58; 82-74.

Show comments