MANILA, Philippines - Ang pinangangambahang kawalan ng karera nga-yong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ay hindi mangyayari.
Ito ay matapos makabuo ng programa ang racing club na pag-aari ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) hindi lamang para sa araw na ito kungdi pati sa Biyernes kung saan muling gagawin ang pista.
Tig-walong karera ang nabuo para sa dalawang araw na programa para patuloy na bigyang kasiyahan ang bayang-karerista.
Bagamat positibo ang bagay na ito, hindi pa batid kung ganito rin ang mangyayari sa dalawang karerahan sa Sta. Ana Park sa Naic, Cavite at Malvar, Batangas.
Nagkaroon ng pangamba na walang magaganap na karera hindi lamang sa araw na ito kungdi sa buong linggo dahil sa pagdedeklara ng racing holiday ng tatlong malalaking organisasyon ng mga horse owners.
Tinawag na “Tri-Orgâ€, ang grupo ay binubuo ng mga respetadong indibidwal sa racing industry na mula sa Metropolitan Association of Race Horse Owners (MARHO), Philippine Thoroughbred Owners and Breeders Organization (Philtobo) at Klub Don Juan de Manila (KDJM).
Nagdeklara ang tatlong grupo ng racing holiday dahil sa kawalan umano ng pagkilos ang pamunuan ng Philippine Racing Commission sa mga idinulog na isyu na sumisira o nagpapababa ng kita sa industriya.
Ang Philracom ay pinamumunuan ni Chairman Angel Castaño Jr.
“The Philracom has focuses on micro-managing racing operations rather than dealing with the broader and critical issue that impact the overall health and growth of the racing industry. Specifically, the Tri-Org asked the Philracom to address the alarming decline in racing sales,†wika ng kanilang statement.
Ang kawalan ng kaayusan sa iskedyul ng tatlong karerahan, ang patuloy na paglaganap ng illegal bookies ang ilan sa mga inirereklamo ng tatlong orga-nisasyon na hindi pa rin naisasaayos ng Komisyon.
Pero ang huling isyu na hindi na matanggap pa ng mga horseowners ay ang patuloy na pagbawas ng 3 percent premyo ng mga horseowners na ibinibigay sa pondo ng mga trainers.
Bagama't maganda sana ang bagay na ito, umaalma ang mga may-ari ng kabayo dahil lumiit na ang kita nila dahil humina na nang humina ang horse racing sa bansa.
Nagsalita ang Philracom na hindi sila ang puwedeng magtanggal nito kungdi ang nakatataas sa kanila, ang Palasyo, kaya’t wala silang magawa hinggil dito.
Dahil sa patuloy na pagbagsak ng industriya ay hiniling ng tatlong malalaking grupo kay Pangulong Benigno Aquino III na palitan na ang mga namumuno.
“The present Commission is failing to fulfill their mandate and are not doing their duty to the people and to the President. We humbly and urgently appeal to President Aquino to grant our industry relief by immediately replacing the present Philracom leadership with people who can find solutions to the challenges,†pagtatapos ng kalatas.
Taong 2008 noong huling nagsama-sama ang MARHO, Philtobo at KDJM at nag-aklas sa Philracom na noon ay pinamumunuan pa ni dating Police General Florencio Fianza.